Wednesday, January 5, 2011

Kong Sing Bao Sa


Noong nasa Pilipinas pa ako nagtatrabaho, medyo naiinggit ako sa mga empleyadong ipinapadala ng aming kumpanya papuntang China para mag-training. Una, siguro ay pangarap ko sa buhay ang makasakay ng aeroplane. Pangalawa, gusto ko talagang makapag-tour around the world. Pangatlo, 'yung dalawang naunang reasons pa rin ang reason ko.

Kapag nakauwi na ang mga masuswerteng nilalang ng aming company ay nagtataka naman ako sa kuwento nila. Ayaw na daw nilang bumalik doon para lang mag-aral ng isang buwan.

Taena, pinalipad na nga sila papunta sa lupain ng mga singkit, nagrereklamo pa?! 

Noong nasa Saudi ako ay 'di ko masyadong naramdaman ang tinatawag nilang LANGUAGE BARRIER. Alam naman natin na ang lupain ng mga kamelyo ay may mga kasosyong Puti kaya ang pangalawang wika doon ay Ingles. Parang katulad lang sa Pinas. Ang kagandahan pa sa disyerto ay malaki ang populasyon ng Pinoy Community -'di na nakakagulat na malamang may dalawang milyong Pilipino sa buhanginan. Kapag hindi kayo magkaintindihan sa arabic ay malaki ang chance na puwede kayong mag-inglisan. kahait na  pabarok. Anytime ay puwede kang gumala mag-isa dahil kaya mong makipag-usap sa mga arabo gamit ang pamana sa'yo ni Uncle Sam.

Potah, nang mapadpad ako dito sa Tsina, masyado akong nanghinayang sa Mandarin Classes sa dati kong pinapasukan. Naalala ko rin ang kuwento ng isa kong kasamahang mag-isang nag-stay ng isang buwan dito. Ayaw na niyang bumalik dahil wala siyang makausap. Ano nga naman ang gagawin mo sa napakalawak na lugar na punung-puno ng mga taong sila lang ang nagkakaintindihan?

Dito sa pinapasukan ko ngayon, medyo hirap ako sa komunikasyon. Simpleng "hi" at "hello" pa lang ang kaya kong sabihin. One to one hundred pa lang ang kaya kong bilangin. Malamig na beer pa lang ang kaya kong orderin. Nagre-rely pa ako sa mga apat na kasama kong Pinoy na marunong mag-Mandarin. Hindi ko kayang mag-isang gumala-gala dito dahil tiyak na mawawala ako!

Napakahirap aralin ang salita dito dahil maraming lalawigan ang China. Kung sa Pilipinas ay napakaraming dialect dahil sa iba't ibang probinsya, ako na ang magsasabi sa'yo na ganun dito pero i-multiply mo siguro ng ten. Kung sila nga na lumaki at tumira dito ay 'di rin nagkakaintindihan minsan dahil sa dialect, paano pa kaya akong ni kailanman ay 'di nakapagsalita nito?

May mga na-download na akong mga audio books para mapadali ang pag-aaral ko ng Mandarin pero mahirap kabisaduhin ito kung hindi mo papraktisin ang pakikipag-usap. Hindi mo rin basta-basta mababasa ng tama ang mga salita based sa spelling. Ang "Q" ay pronounced as "ch" habang ang "X" ay "sh". Bingi na ang tenga ko kaya nahihirapan akong pakinggan ang sinasabi nila. Hindi din pwedeng basta-basta ka magsasalita ng walang consideration sa intonation dahil pwede kang mapahamak dahil doon. Ang apat sa Chinese ay kasintunog ng salitang patay. Kaya nga ang tradition dito ay 'di pwedeng mag-serve ng kung anu-ano "in fours". May narinig din akong walang fourth floor sa mga pindutan ng elavators.

Inuna kong alamin ang mga bad words dahil magagamit ko ito kapag nilalaglag na ako. Ang alam ko na dati ay ang "bolanchao" na kanta noong Dekada NoBenta ng mga hiphoppers laban sa mga metal. Ang ibig sabihin nito ay "walang bayag".'Di ko na sasabihin sa inyo ang iba pa para hindi ma-pollute ang inyong mga paksyet na pag-iisip.

May mga salita dito na may katunog sa salita natin. Ang pagtawag sa aming mga expats dito ay katunog ng pagbanggit ng salitang "laway". Ang forty naman ay may katunog sa hinaharap ng mga kababaihan. Ang siyam dito ay katunog ng "cho" at ang eight naman ay katunog ng "pa". Natatawa nalang kami kapag napapadaan kami sa disco-han na ang pangalan ay Club 98!!

May mga kasama kami ditong intsik na nag-aaral magsalita ng English kaya ang ginagawa namin ay nagtuturuan kapag may spare time.

Minsan ay tinanong ko sila kung ano ang capital ng America sa intsik? 'Di daw nila alam. Ako naman itong si bibo ang nagpabida...."TON SHING WA".

Sabi ko rin sa kanila ay papakainin ko sila kapag nai-translate nila ang "KONG SING BAO SA, TANG SING KWEN GAO LU".

Bilib pa rin ako sa ating mga Pinoy dahil meron tayong Yoyoy na nagturo sa atin ng "BUTSIKIK"!!


PAHABOL:

Mga Kabayan, Ka-utak, at Ka-Dekads, Ito na nga po pala ang last entry ko for this month. Mawawala ulit ako sa mundo ng blogosphere sa loob ng isang buwan para mag-celebrate ng Chinese New Year kasama ang aking pamilya! Yahooooooooo!!!!!!!







blog comments powered by Disqus
Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker