More Free Music at Cafe-Razo.com
Kung mamili ako ng sountrack ng Saudi Life ko, heto ang track listing:
1. "Gusto Ko Ng Baboy" by Radio Active Sago Project
2. "Sarsa Platoon" by Datu's Tribe
3. "Lakambini Bottoms" by Datu's Tribe
4. "Huwag Kang Baboy" by Tribal Fish
5. "Pigface" by Greyhoundz
6. "Mr. P.I.G." by Greyhoundz
Walang baboy dito sa kaharian. Kung meron mang makukuhaan ng patago, siguradong mahal ang per kilo nito. Mas mahal pa sa kilo ng baka. Ang dami ko pa namang paboritong ulam na karne ng piggy ang rekado. Kaya naman puro alternatib na sahog ang inihahalo sa mga nakasanayan nating pagkain sa Pinas.
Siyempre una sa paborito ko ang LECHONG BABOY. Lalo na yung galing Cebu, napakasarap! Dahil di makakuha ng visa ang mga kaaway ni Mang Tomas, nagtitiyaga nalang kami sa lechong manok. Pwede na rin dahil napakamura nito dito. Kumpara sa Andok's na 240 pesos, dito ay 12riyals lang o mga 145 pesos. Kung mahilig ka sa LIEMPO ng Andok's, pagtiyagaan mo dito ang chicken barbecue. Huwag ka na umangal dahil no choice ka.
Paborito ko rin ang SISIG, KILAWIN, at DINAKDAKAN. Kaya nga nami-miss ko na ang "Sisig Hooray!" na nagkalat sa Metro Manila. Ang sarap lasamin nung crunchy pigface na hinaluan ng sili, mayo, toyo, at sibuyas. Lalo na yung toppings na dinurog na CHICHARON. Peyborit ko na ulam, at lalo na sa pulutan. Dito sa desyerto, puwede mo rin lutuin ito. Nandyan naman ang ulo ng kambeeeng at baka camel!
Bloody Soup - DINUGUAN. Duduguin ka muna bago mo matikman uli ang isaw ng baboy o karne na niluto sa dugo. Buti nalang at halos Ilokano lahat ang kasama ko sa villa kaya natatatikim pa rin ako ng DINUGUANG MANOK na medyo tuyot ang pagkabanat. May mga nabibilhan naman dito ng mga buhay na native na manok na puwedeng katayin.
Buti pa ang mga stateside, may AMERICAN AD0B0. I'm pretty sure na kamag-anak ni Babe ang laman nito. Dito sa amin, mga cast lang ng "Chicken Run" ang kasama sa lineup. Kung medyo sawa na, may beef steak o BISTEK TAGALOG naman na napakasarap lalo na kung maraming toppings na onion rings.
Sa mga okasyon at piyestahan, solb na ako sa LUMPIANG SHANGHAI. Nasubukan mo na malamang ang beef siomai pero nakatikim ka na ba ng lumpia na gawa sa giniling na baka camel? Damihan mo nalang ng kintsay ang rekado para 'di mo maalala na walang oink oink sa kinakain mo!
'Di ba ang sarap din kumain ng mga ginisang gulay at pinakbet na may sahog na pinira-pirasong porky the pig? Medyo nasasanay na ang dila ko sa baka, manok, at isda.
Sabi ko sa misis ko, puro baboy ang ihain sa pag-uwi ko sa bakasyon. Huwag munang isipin ang high blood dahil mas ma-cholesterol ang mga pagkain dito.
Buti nalang at naka-food allowance ako kaya kami ang nakakapagluto ng pagkain na gusto namin. Gusto ko ng baboy pero ayoko ng PAGKAING BINABOY!!