Monday, March 29, 2010

Bakasyon Engrande

View Comments



First time ko mangibang-bansa kaya sa six months na lumipas mula sa una kong paglapag dito sa Saudi ay excited na akong magbakasyon.

Actually, ang unang assignment ko sa trabaho ko dito ay maging reliever sa magbabakasyon. One month na turnover lang at nagpaalam na ang rinelyebohan ko papuntang Pilipinas. Batid ko ang kasiyahan niya dahil bakas sa kanyang mga mata ito. Tulad ko, napadpad siya sa abroad upang kumayod para sa pamilya. At tulad ko rin, five months na preggy ang asawa niya nang iwanan ang Pilipinas. Napagkuwentuhan namin minsan bago siya umalis kung gaano kasarap yung feeling ng makakauwi ka na at makakarga na ang anak mo. Noong bumalik na siya galing bakasyon ay naikuwento naman niya ang pakiramdam na parang ayaw nang bumalik sa Saudi dahil mas gusto niyang makasama yung mga anak nila.

Buti pa nga siya, pangatlong anak na niya yun. Samantalang ako ay una pa lang. Sa picture at video ko lng nakikita ang Wonder Twins namin.

Ilang beses ko nang pinag-isipan na mag-exit nalang para makauwi na. Pero 'di naman ako tanga para gawin iyon. Bukod sa mahal ang babayaran ko sa kumpanya, baka kung saang kangkungan kami pulutin pag-uwi ko!

Ngayong buwan na ito, napakaraming naka-schedule na magbakasyon. Dahil ito sa summer, sa Semana Santa, at sa graduation ng mga anak. Kapag nakikita ko na ang mga "bakasyonista" na hawak na ang kanilang mga passport, masaya na ako. Nagpapaalala kasi sa akin ito na limang buwan nalang at makakasama ko na ang mga mahal ko sa buhay.

Ano kaya ang mga gagawin namin kapag nagbakasyon ako? Excited na akong makipaglaro sa kambal. Bibo na daw sila at nagre-respond na kapag kinakausap. Mamamasyal kami sa mall at mamimili ng mga gamit nila. Sa Toy Kingdom naman kami mamimili ng mga laruan. Tapos pupunta rin kami sa Ace Water Spa para mag-swimming. Araw-araw ko silang aalagaan kasama ang Supernanay.

Hay, ang sarap ng feeling. Pero ayoko muna masyadong isipin dahil kapag iniisip ko ito ay parang lalong tumatagal ang pagdating ng papalapit na bakasyon ko!

Monday, March 22, 2010

Yamang-Dagat

View Comments








































































Noong nasa elementary pa tayo ay itinuro sa atin ng mga teachers natin ang mga "yamang-lupa" at "yamang-dagat". Yup, alam natin ang isasagot natin kung anu-ano ang mga iyon. Pero 'di ko masyadong pinapansin ang mga iyon dahil nabibili naman sila sa palengke.

Dito ko lang na-appreciate sa Saudi ang mga yamang-dagat. Manila boy ako kaya't 'di ko alam ang mangisda at manghuli ng anumang makakain mula sa mga anyong-tubig. Bobito ako sa mga ganitong bagay. Kaya naman natutuwa ako kapag pumupunta ang tropa dito sa dagat.

Nakalangoy ka na ba sa dagat ng basura? Ungas, wala niyan dito.

Eh sa RED SEA? Akala ko dati ay kulay pula talaga ito pero blue naman pala sa totoo. 'Di ko pa natatanong kay pareng WIKI kung bakit ganun ang pangalan ng dagat na iyon. Napakayaman nito sa isda, pugita, at alimasag. Kaya nga naaaliw ang mga Pinoy dito na dayuhin ang mga lugar na puwedeng panghulihan. Biruin mo naman, ilang oras lang ay makakapuno ka na ng mga timba na pagsasaluhan niyo pagkatapos!

Ano pa hinihintay mo? Langoy na papunta dito.

Wednesday, March 17, 2010

Gusto Ko Ng Baboy

View Comments








More Free Music at Cafe-Razo.com





Kung mamili ako ng sountrack ng Saudi Life ko, heto ang track listing:


   1. "Gusto Ko Ng Baboy" by Radio Active Sago Project
   2. "Sarsa Platoon" by Datu's Tribe
   3. "Lakambini Bottoms" by Datu's Tribe
   4. "Huwag Kang Baboy" by Tribal Fish
   5. "Pigface" by Greyhoundz
   6. "Mr. P.I.G." by Greyhoundz



Walang baboy dito sa kaharian. Kung meron mang makukuhaan ng patago, siguradong mahal ang per kilo nito. Mas mahal pa sa kilo ng baka. Ang dami ko pa namang paboritong ulam na karne ng piggy ang rekado. Kaya naman puro alternatib na sahog ang inihahalo sa mga nakasanayan nating pagkain sa Pinas.


Siyempre una sa paborito ko ang LECHONG BABOY. Lalo na yung galing Cebu, napakasarap! Dahil di makakuha ng visa ang mga kaaway ni Mang Tomas, nagtitiyaga nalang kami sa lechong manok. Pwede na rin dahil napakamura nito dito. Kumpara sa Andok's na 240 pesos, dito ay 12riyals lang o mga 145 pesos. Kung mahilig ka sa LIEMPO ng Andok's, pagtiyagaan mo dito ang chicken barbecue. Huwag ka na umangal dahil no choice ka.

Paborito ko rin ang SISIG, KILAWIN, at DINAKDAKAN. Kaya nga nami-miss ko na ang "Sisig Hooray!" na nagkalat sa Metro Manila. Ang sarap lasamin nung crunchy pigface na hinaluan ng sili, mayo, toyo, at sibuyas. Lalo na yung toppings na dinurog na CHICHARON. Peyborit ko na ulam, at lalo na sa pulutan. Dito sa desyerto, puwede mo rin lutuin ito. Nandyan naman ang ulo ng kambeeeng at baka camel!

Bloody Soup - DINUGUAN. Duduguin ka muna bago mo matikman uli ang isaw ng baboy o karne na niluto sa dugo. Buti nalang at halos Ilokano lahat ang kasama ko sa villa kaya natatatikim pa rin ako ng DINUGUANG MANOK na medyo tuyot ang pagkabanat. May mga nabibilhan naman dito ng mga buhay na native na manok na puwedeng katayin.

Buti pa ang mga stateside, may AMERICAN AD0B0. I'm pretty sure na kamag-anak ni Babe ang laman nito. Dito sa amin, mga cast lang ng "Chicken Run" ang kasama sa lineup. Kung medyo sawa na, may beef steak o BISTEK TAGALOG naman na napakasarap lalo na kung maraming toppings na onion rings.

Sa mga okasyon at piyestahan, solb na ako sa LUMPIANG SHANGHAI. Nasubukan mo na malamang ang beef siomai pero nakatikim ka na ba ng lumpia na gawa sa giniling na baka camel? Damihan mo nalang ng kintsay ang rekado para 'di mo maalala na walang oink oink sa kinakain mo!


'Di ba ang sarap din kumain ng mga ginisang gulay at pinakbet na may sahog na pinira-pirasong porky the pig? Medyo nasasanay na ang dila ko sa baka, manok, at isda.

Sabi ko sa misis ko, puro baboy ang ihain sa pag-uwi ko sa bakasyon. Huwag munang isipin ang high blood dahil mas ma-cholesterol ang mga pagkain dito.

Buti nalang at naka-food allowance ako kaya kami ang nakakapagluto ng pagkain na gusto namin. Gusto ko ng baboy pero ayoko ng PAGKAING BINABOY!!

Wednesday, March 10, 2010

Bayan Ko, Ginagago

View Comments


I'M PROUD TO BE A FILIPINO.

Sa katunayan, bumili pa nga ako ng bag na may Philippine Flag bago ako pumunta dito sa Saudi. Gusto kong ipaalam sa lahat na isa akong Pinoy.

Pero paano ka naman magtataas ng noo mo habang naglalakad kung makakabasa ka ng malufet na balita galing Yahoo! (read this article)?

Sa results kasi ng survey na ginawa ng HK-based na Political & Economic Risk Consultancy, bida lang naman tayo dahil FOURTH MOST CORRUPT SA 16 MAJOR ASIA-PACIFIC INVESTMENT DESTINATION ANG PILIPINAS!! Paano mo pa makukuhang makipagyabanagan ng galing sa mga ibang lahi kung ganito ang bansa natin? Sabagay, hindi na kakaiba ito dahil last 2008, tayo ang ASIA'S MOST CORRUPT COUNTRY.

Ang galing nga natin dahil last year, pang-anim lang tayo sa survey ng PERC. Salamat nalang at may mga TRAPO tayo na patuloy ang pagtakbo para sa ikauunlad ng mga sarili at ikakayaman ng mga pamilya nila.

Sabi nga ni Dong Abay ng Yano, "Ang kapal mo hindi ka manipis, ginu-good time mo lang ang aming buwis!!"

Galingan natin ang pagboto sa darating na Eleksyon para makuha na natin ang TOP 1 Spot mula sa Indonesia!!




Sunday, March 7, 2010

Otso-Otso

View Comments


Birthday ngayon ng “The Living Legend” na si Robert “Jawo” Jaworski. Palaisipan pa rin sa akin hanggang ngayon kung bakit number seven ang ginamit niya sa kanyang jersey. Lagi kong natatandaan ang beerday niya dahil bukod sa idol siya ni erpats ay kasabay niya ang Tito Peter (a.k.a. “Long” for short) sa pagdiriwang nga kaarawan.
Pero hindi ito tungkol sa kanya. Pinapasakay ko lang kayo. 
Actually, MONTHSARY namin ng LABS ko. Okay, matanda na kami pareho para ipagdiwang monthly ang wedding date namin na parang mag-GF at BF. Eh sa gusto namin eh. Wala ako sa Pinas kaya mahalaga sa akin lahat ang eighth of the month na parang hit song ni Bayani.
December 8, 2008 kami ikinasal. Last year lang iyon at hindi nga kami nakapag-celebrate ng first wedding year namin na magkasama dahil napadpad ako dito sa Saudi. December 8 din ang original date na sinagot niya ako bilang boyfriend. 
Naniniwala ako na masuwerte ang NUMBER 8. Para patunayan, heto ang mga na “copy and paste” kong trivia galing sa ibang sites about our number:
· Number of the perfection, the infinity. In mathematics the symbol of the infinity is represented by an “8” laid down “∞”
· Symbol of the cosmic Christ
· Number figuring the immutable eternity or the self-destruction. It represents also the final point of the manifestation
· In China, “8” expresses the totality of the universe. Represents the totality and the coherence of the creation in evolution
· Number of the balance and of the cosmic order, according to the Egyptians
· Number expressing the matter, it is also the symbol of the incarnation in the matter which becomes itself creative and autonomous, governing its own laws
· The number eight corresponds to the New Testament, according to Ambroise
· It is the symbol of the new Life, the final Resurrection and the anticipated Resurrection that is the baptism
· According to Clement of Alexandria, Christ places under the sign of 8 the one He made to be born again
·  Represent the earth, not in its surface but in its volume, since 8 is the first cubic number (23)
· The Pythagoreans have made the number 8 the symbol of the love and the friendship, the prudence and the thinking and they have called it the Great "Tetrachtys"
· In Babylon, in Egypt and in Arabia, it was the number of the duplication devoted to the sun, from where the solar disc is decorated of a cross with eight arms
· The number 8 means the multiplicity, for the Japanese
· A favorable number, associated to prosperity

Ano, naniwala ka na?! 
AKO ANG PINAKASUWERTENG LALAKI SA BALAT NG LUPA. MAY ASAWA AKONG MAHAL NA MAHAL AKO. 
ILOVEYOULABS!!

Wednesday, March 3, 2010

Sinturong Pangkaligtasan

View Comments



Likas na sa ating mga Pinoy ang "maghigpit ng sinturon".

Pero kapag sinturong pangkaligtasan o "safety belt" na ang pinag-uusapan, iba na ang dating sa atin. Hindi naman kasi tayo lumaki sa isang bansang pinapahalagahan ang gamit nito. Nagtataka nga ako kasi sa "Sesame Street", itinuturo na kaagad ang "buckle up" sa murang edad. Hindi ko man lang ito nakita sa "Batibot" at kahit sa "Atbp.".

Noong unang sakay ko ng eroplano papunta dito sa Saudi, talagang pinanood ko yung instructional video bago mag-takeoff. Ayoko magaya ang nangyari kay Butt-head  sa "Beavis & Butthead Do America". 

Naaalala ko tuloy 'yung nahuli kami ni Loy (a.k.a. Wandering Potter) sa Rotonda, Pasay. Eh hindi talaga ako gumagamit ng seatbelt na 'yan. Nagbiyahe kami mula sa HCG galing Cavite. Nakikisabay ako sa kanya tuwing Sabado dahil wala naman akong sasakyan -  bukod sa nakakatipid, gustung-gusto kong sumakay sa kanya dahil nagpapalitan kami ng mga trivia at iba pang ideas sa music at iba pang forms of entertainment.

Sa sarap ng kuwentuhan, nakalimutan (o sinadya ko yata dahil lumalaki na 'yung tiyan ko sa kakainom) kong mag-buckle up. Hayun, pagdating sa Pasay, may mga buwayang MMDA na ang naka-spot sa amin. Nung una, akala ko ay kakilala ko yung letsugas na babae na tinuturo ako.

"Jayson, kakilala mo ba 'yun?", tanong ni Loy sa akin.

Pareho nalang kaming nataranta nang ipinatabi 'yung sasakyan niya papunta malapit doon sa kulungan na bus. Hiyang-hiya ako noon dahil bukod sa nakuha na yung lisensya niya, nagbayad pa siya ng dos sengkuwenta!

Simula noon, law-abiding citizen na ako kapag sa tabi ako ng driver uupo.

Subukan mo lang huwag gamitin ang safety belt niyo habang nagda-drive dito sa Saudi. Siguradong wala kayong kaligtasan sa lespu kapag nahuli kayo. Kakayanin niyo ba ang sampung araw na kulong (suwerte mo kong 'di ka ma-puwetan!) at fine na three hundred riyals?!




Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker