Kung ang laging kasama ni Kevin Arnolds sa "Wonder Years" ay si Paul Pfeiffer, ang kasama naman ni Bart Simpson ay si Milhouse Van Houten. Kung si Malcolm (in the Middle) ay may bespren na si Stevie, si Butt-Head naman ay may Beavis.
Ganun yata talaga ang buhay - hindi puwedeng nag-iisa ka lang. Mapa-lecheserye, pelikula, cartoons, sa libro, o sa totoong buhay, ang pagkakaroon ng isang pinaka-close na kaibigan ay isang bagay na hindi mawawala.
Sabi nila, ang best friend daw ay iisa lang pero sa case ko, napakadami dahil friendly (daw) ako! Best friend ko ang nag-iisa kong labs (at Supernanay ng aming kambal)sa aming samahan bilang mag-asawa. Bestfriend ko si Pot bilang utol ko. Best friend ko naman si Bhobot noong mga uhugin pa lang kaming naglalaro sa lansangan ng Mangoville. Best friend ko si Danilo na classmate ko noong elementary. Best friend ko rin si Che, classmate ko sa uste noong college at kumare ko na ngayon sa kanyang panganay.
At siyempre, 'di mawawala sa listahan si GELINE LOPEZ na itinuturing kong "best friend for all seasons".
