Paborito kong kumain sa resto ni Giant Bubuyog dahil bukod sa affordable ang kanilang mga meals ay talaga namang langhap-sarap. Loyal ako sa kanya mula pa noong pagkabata at alam kong halos lahat ng Juan Dela Cruz ay ganun din. Kaya naman walang araw na hindi mahaba ang pila sa kanilang mga branches. Minsang nagwala ang mga sawa sa aking tiyan ko ay naisipan kong dumaan sa kainan nila upang lumamon. As expected, puno ng sangkatauhan ang malufet na Jollibee. Ang pila sa counter ay pangbox-office hits kaya wala ka na halos makitang bakanteng lamesa. Ganun pa man ay pumila pa rin ako para maka-order ng Chicken Joy. Sa harapan ko ay may isang babaeng umagaw ng atensyon ko. May kasama siyang boyfriend (nya yata) na pinapagalitan niya dahil ang haba-haba daw ng pila at ang bagal-bagal ng service. Ok lang sana kung sila lang ang nakakarinig kaso parang nakalunok ng megaphone 'yung babae kaya lahat ng nandoon ay rinig na rinig siya.
Nang makarating sa pila ay hindi muna siya umorder. Nagreklamo muna siya tungkol sa mahaba at mabagal na pag-usad ng pila. Fair enough. Hindi niya lang siguro alam na lunch time na noon at malapit sa isang eskuwelahan ang pinuntahan niya kaya maraming tao. Ilang segundo lang akong nalingat at bigla ko nalang nakita na siya'y gumagawa ng eksena. Lalong lumakas ang boses niya na parang isang speaker na ginagamit sa mga konsiyerto. Kawawa naman 'yung working student na kulang nalang ay murahin niya habang inililibing ng buhay. Hindi yata sila nagkaintindihan kaya nag-hysterical si girl.
"Sa susunod ay sa McDo nalang ako kakain dahil walang kuwenta dito!!", ang talak niya to the highest level.
Dahil doon ay huminto ang mundo at siya na ang naging center of the universe. Napataas ng isang kilay ang lahat habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. Taena, mukha namang basura 'yung itsura at masangsang din ang amoy ng pagkatao. Paksyet, wala naman siya sa mamahaling resto at 'di naman kagandahan para mag-inarte. Tuloy pa rin siya sa ginagawa niya hanggang sa naramdaman at na-realize niyang nakakahiya na siya. Ayun, 'di nalang niya itinuloy ang order at nag-walkout nalang. Kung ako si bf, naiwan nalang ako at kumain ng palabok.
Ayaw natin ng mahabang pila. Kaya nga nauso ang "save" dahil ayaw nating naghihintay ng matagal. Nakakabagot pero ganun ang takbo ng buhay - we have to wait for our turn.
Noong last na bakasyon ko ay may "eksenang kups" nanaman akong na-witness. Sa Cathay Pacific (at sa ibang airlines din) ay hindi puwedeng mag-unahan kapag boarding na dahil may sequence ang pagpapapasok depende sa location ng upuan. It is a well-known fact na kapag may pila, bawal ang singit unless may emergency, matanda ka na, may bitbit kang bata, may kapansanan, at isa kang buntis. Disiplinado tayong mga pinoy kapag may pila lalo na kung nasa ibang bansa. Kaya naman nakaagaw ng atensyon ang isang babaeng nagrereklamo dahil hindi siya pinapasok sa boarding gate. Ipinaliwanag naman ng attendant na hindi pa seat number nila ang tinatawag para pumasok
"Ay don’t know why der shud be alayn layk this! (sa napakapangit na english accent way)", galit niyang sabi sa chinitang cute na tumitingin sa mga boarding ticket.
"We're sorry ma'aam but you have to wait for your seat number to be called.", ang napakasimpleng sagot lang sa kanya.
"Mee en my hasban ar in a hurry up!!", ang pagdadabog naman ni nanay.
Walang sinagot si cutie chinita at nilayasan nalang siya. Nakanamputs naman kasi, eh ano naman kung nagmamadali sila? Kahit naman mauna silang pumasok ay sabay-sabay pa rin kaming ililipad ng eroplano papuntang Pilipinas! Na-gets ko na ang eksena ni aling mahadera. May foreigner kasi siyang asawa. Siguro dahil kulay puti ang balat ng kasama, ang akala niya ay uunahin na sila!
Ang sa akin lang naman, huwag na sanang mag-inarte kung hindi naman likas na maarte dahil magmumukha lang "trying hard" sa huli. Ang pagyayabang ay may binabagayan. Huwag na rin sanang mag-ingles kung hindi rin naman fluent ang pagbikas at amoy tae ng mamamatay na aso lang ang grammar. May tama ring lugar ang mga times na gusto nating magpasiklab. Huwag nating piliting maging mukhang matalino dahil mas malaki ang tiyansang magmumukha tayong bobo!!
PAHABOL:
Mga kabayan, ka-dekads, at ka-utak, paki-suportahan po ang isa ko pang blog, ang NoBenta. Kasama po ito sa listahan ng mga semi-finalists sa Blog Category ng 12th PHILIPPINE WEB AWARDS. Paki-click lang po ang NOBENTA - REMINISCING THE 90'S sa LINK NA ITO. Maraming Salamat Po!!