siyempre dapat ay may ganitong kodak moment
Heto ang totoo...ang pinakamatandang unibersidad sa Asya ay ang UST. Peksman, mas matanda pa nga ito sa Harvard University ni Uncle Sam. Noong January 28, 2011 ay idinaos ng UNIVERSITY OF SANTO TOMAS ang kanilang Quadricentennial Celebration o ang pagdiriwang sa paggunita ng 400th Founding Anniversary. Ito ay ipinagdiwang hindi lang ng mga alumni at mag-aaral kundi pati na rin ng buong Pilipinas.
Binalak namin ni misis kasama ang kanyang kapatid na pumunta sa "salubong" ng pinakahihintay na event ng bawat Tomasino kaso hindi kami natuloy dahil noong mga panahong iyon ay kakatapos lang ng paksyet na pagpapasabog sa isang bus sa Makati. Natakot kaming mag-commute kaya nauwi nalang kami sa panonood ng live streaming sa net.
Kinabukasan, napag-isip-isip namin na hindi dapat palampasin ang mga ganitong pagkakataon dahil after one hundred years pa namin ulit puwedeng maranasan ang malufet na klase ng celebration. Ayoko namang umabot sa ganung edad! Mula Taguig ay nag-taxi nalang kami papuntang Dapitan (likod ng uste) dahil ito ang pinaka-safe at malamig na paraang alam namin. Habang nasa sasakyan ay ramdam ng bawa't isa ang excitement. Ano na kaya ang itsura ng tambayan namin? Ano na kaya ang nabago sa loob ng uste? Ilang taon na rin kasi kaming hindi nakadalaw dito.
First stop namin ay sa pinakasikat na kainan ng mga Tomasino, ang ALMER'S. Hindi ko alam kung gaano na ito katagal pero naabutan ko na silang stable nang una akong tumuntong sa Engineering Building noong 1995. Ang tanging masasabi ko ay "masarap na, mura pa"! Sa aming pagbisita ay hindi kami na-disappoint dahil nandun pa rin ang masasarap na sizzling dishes tulad ng spare ribs at porkchop, ang sidings na mashed potato, at unlimited gravy. Hindi puwedeng walang extra rice. Ang nakakatuwa, medyo nag-improve na ang itsura ng kanilang place. Sayang at hindi kami nakapagpa-picture dahil nahihiya kami sa mga ibang kumakain.
ate, sali ako ha!
Sa Quadricentennial Square ay makikita ang isang obra maestra ni Arch. Ramon Orlina, ang "TETRAGLOBAL", na sumisimbulo sa various stakeholders ng university. Apat ang representation na nandito - dalawang mag-aaral (lalaki at babae), isang professor, at isang Dominican priest. Para sa mga 'di nakakaalam, ang modelong pinaggayahan ng lalaking estudyante ay si Piolo Pascual habang si Charlene Gonzales naman ang sa babae. Hindi ko alam na isang Tomasino si Papa P pero si Miss U, sigurado ako dahil madalas ko siya dating makasalubong kapag nagagawi ako dati malapit sa College of Medicine.
ang sikat na Main Building ng Uste
Noong una akong makarating sa uste at makita ang Main Building, nag-sign of the cross ako. Akala ko kasi ay simbahan ito. Aminin niyo, ginawa niyo rin ito. Eh sino bang hindi mag-aakala na simbahan ito? May krus ba naman sa tuktok tapos may mga estatwa pa!
ang koala ay hindi isang bear kundi isang marsupial
Pagpasok namin sa loob ng Main Building ay napadaan kami sa UST Museum of Arts and Sciences na itinuturing namang pinakamatandang school-based museum sa Pinas. Libre ang entrance dahil nga sa celebration kaya ang daming tao, lalo na dun sa souvenir shop. Naalala kong bigla ang time na pumunta kami dito ng mga barkada ko noong nasa freshman year pa kami. Kung noon ay manghang-mangha kami sa mga nai-preserve na artifacts, mas namangha ako sa muli kong pagkakita sa mga ito. Ganun talaga siguro kapag tumatanda na, mas nagiging appreciative sa mga bagay-bagay!
up!
Marami rin akong memories sa grandstand / quadrangle ng uste. Nandyan ang ROTC na walang silbi. Sino bang kabataan ang gustong mabilad sa ilalim ng araw kinabukasan after mong mag-Sabado Night? Ilang yosi (puwede pa manigarilyo sa loob ng campus dati) rin ang naubos naming magbabarkada dito kapag tumatambay kami sa gitna kapag madilim na. Ito ang ilang beses naming sinukat sa subject naming Surveying at dito nasagasaan ng konyotik ng kotse ang ginagamit naming steel tape measure. Nakatugtog rin ang banda namin (representing College of Engineering) sa isa sa mga "Paskuhan".
Special ang mga pavillions sa tapat ng Engineering Building. Ito ang teritoryo namin kasama ang mga estudyante ng dating College of Architecture and Fine Arts (CAFA). Ito ang nagsisilbing tambayan kapag may vacant at break. Siyempre, yosihan din dito to the max. At higit sa lahat ay nagiging lovers' lane ng mga magsing-irog! Dito kami minsan nagkikita ni Supernanay noong kami ay mga binata at dalaga pa. Magka-building kasi ang Civil Engineering at Interior Design - nice combination, 'di ba?
Sa pag-uwi ay baon namin ang mga litratong wala kami ni misis noong kami ay mga etudyante pa lang sa pinakamatandang unibersidad sa Asya. De-film pa kasi ang mga camera noon. Hindi pa uso ang digicam at mga celfone na may pangkuha ng moments. Sa wakas, kahit na makalipas ang higit sa isang dekada, ay may pang-FB album na kaming maipo-post!
Sa pag-uwi ay baon namin ang mga litratong wala kami ni misis noong kami ay mga etudyante pa lang sa pinakamatandang unibersidad sa Asya. De-film pa kasi ang mga camera noon. Hindi pa uso ang digicam at mga celfone na may pangkuha ng moments. Sa wakas, kahit na makalipas ang higit sa isang dekada, ay may pang-FB album na kaming maipo-post!