Monday, March 21, 2011

400

View Comments

siyempre dapat ay may ganitong kodak moment

Heto ang totoo...ang pinakamatandang unibersidad sa Asya ay ang UST. Peksman, mas matanda pa nga ito sa Harvard University ni Uncle Sam. Noong January 28, 2011 ay idinaos ng UNIVERSITY OF SANTO TOMAS ang kanilang Quadricentennial Celebration o ang pagdiriwang sa paggunita ng 400th Founding Anniversary. Ito ay ipinagdiwang hindi lang ng mga alumni at mag-aaral kundi pati na rin ng buong Pilipinas.

Thursday, March 10, 2011

Eksena sa Pila

View Comments


Paborito kong kumain sa resto ni Giant Bubuyog dahil bukod sa affordable ang kanilang mga meals ay talaga namang langhap-sarap. Loyal ako sa kanya mula pa noong pagkabata at alam kong halos lahat ng Juan Dela Cruz ay ganun din. Kaya naman walang araw na hindi mahaba ang pila sa kanilang mga branches. Minsang nagwala ang mga sawa sa aking tiyan ko ay naisipan kong dumaan sa kainan nila upang lumamon. As expected, puno ng sangkatauhan ang malufet na Jollibee. Ang pila sa counter ay pangbox-office hits kaya wala ka na halos makitang bakanteng lamesa. Ganun pa man ay pumila pa rin ako para maka-order ng Chicken Joy. Sa harapan ko ay may isang babaeng umagaw ng atensyon ko. May kasama siyang boyfriend (nya yata) na pinapagalitan niya dahil ang haba-haba daw ng pila at ang bagal-bagal ng service. Ok lang sana kung sila lang ang nakakarinig kaso parang nakalunok ng megaphone 'yung babae kaya lahat ng nandoon ay rinig na rinig siya.

Wednesday, March 2, 2011

KasaySalita

View Comments



Back to China. Trabaho nanaman.

Bago ako umalis ng Pilipinas ay naikuwento ko kay misis na may bago akong blog site na gagawin. Trip ko lang dahil masakit sa ulo kapag hindi mo maibahagi sa ibang tao ang mga gusto mong ipahayag. Medyo pa-trivia ulit ito tulad ng NoBenta.

Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker