Saturday, November 28, 2009

We Will Inherit the World

View Comments

The figures below were taken from Wikipedia's OFW Population / Statistics:


Flag of the Philippines.svg
Total OFW Population
8,726,520-11,000,000 estimates 
Regions with significant populations
 United States
2,802,586
 Saudi Arabia
1,066,401
 UAE
529,114
 Canada
462,935
 Australia
250,347
 Malaysia
244,967
 United Kingdom
203,035
 Japan
202,557
 Qatar
195,558
 Singapore
156,466
 Kuwait
139,802
 Hong Kong
130,537
 Italy
120,192
 South Korea
80,715
 Taiwan
74,010
 Germany
54,336
 France
47,075
 Bahrain
44,703
 Spain
41,780
 Israel
36,880
 Greece
29,344
 Lebanon
25,818
 Macau
23,348
 New Zealand
23,023
 Guam
22,567
 Norway
20,035
 Netherlands
19,163
 Sweden
18,435
 Ireland
16,832
 Papua New Guinea
12,932
 Switzerland
12,042


Sa estimated 92 million na population ng Pilipinas, estimated 11 million or 12% ang OFW's.

Magtataka ka pa ba kung bakit bawat lugar sa mundo ay may marunong magsalita ng Tagalog? Magtataka ka pa ba kung bakit may mga dedicated Filipino Stores sa ibang bansa? Magtataka ka pa ba kung bakit kailangang may TFC ang ABS-CBN at PinoyTV ang GMA7?

SIGURO HINDI NA.

Mula skilled workers hanggang professinal level, papasukin ng mga Pinoy. Wala na siguro kasing makitang pag-asa sa Lupang Hinirang.

Huwag ka na rin magtaka na balang araw ay magiging "Super Power" ang Pinas. Ang mga nag-aalaga sa mga future leaders ng ibang bansa ay Pinay. Ang cook ng White House ay Pinay. Yung nakaimbento ng "iloveyou virus", nasa Pentagon na raw.

WE WILL DOMINATE THE WORLD!!

~ NO BENTA

Free Call and Chat

View Comments

Photobucket

This is a great application for both PC and Mobile Users. You can have free calls and chat to your loved ones through popular networks like Yahoo! Messenger, Facebook, Skype, and Googletalk.

This is really a big help for OFWs to cut down expenses on international calls.

Download the application at http://www.nimbuzz.com/en/mobile/download

~ NO BENTA

Pagtatrabaho ng malayo sa pamilya - Hanggang kelan?

View Comments

Nakabakasyon ako sa Pinas minsan nitong taon. Naimbita kami ng isang mommy na friend ni misis dahil birthday ng anak nito at magti-treat daw siya ng pizza. Isang munting celebration at naibahagi pa sa amin ng kanyang kaibigan kaya para sakin lumabas talaga itong special treatment. Ang nakatutuwa pa rito matalik na magkaibigan ang kanyang anak at aming anak na parehong nasa Grade V sa boy's school. Kaya ako nama'y giliw na giliw na nanonood sa dalawang batang nagbobonding habang naglalaro ng kanya-kanyang Nintendo DS samantalang ang aking asawa nama'y busy rin sa pakikipagkwentuhan. At sa mga sandaling yun, naglakbay ang aking diwa sa sari-saring imahinasyon nagbabalik tanaw sa mga munting okasyong tulad nito na namimiss ko gawa ng pagtatrabaho sa abroad.

Naputol na lang bigla ang aking pagmumuni-muni nang parang nananadya'y tinanong ako ng friend ni misis.

"Hanggang kelan ka magtatrabaho sa abroad?"

"Huh? A..eh..sa totoo lang...di ko pa alam.." sagot ko naman sabay lunok ng laway.

Matagal na nga rin akong nagwowork sa labas ng bansa. Walong taon na bagama't paputol-putol nga lang. Sapat na siguro yung dalawang taon pa para hustong sampu. Kadalasan ganun ang naririnig kong planong time frame ng mga OFW. Time frame para makaipon na ng husto at pwede ng magtayo ng sariling negosyo. Pero sapat na nga ba ito sa talagang nararamdaman ng karamihan? Sa nararamdaman ko ng mga sandaling yun ng ako'y tanungin?

Kung anuman ang maging sagot ko sa tanong na yun, ito'y isang desisyon na gagawin ko para sa pamilya ko hindi lang sa sarili ko. At marahil yun din ang magiging sagot ng iba. Bago ako nagdesisyon na magkaroon ng sariling pamilya kinondisyon ko na ang isip ko na hindi madaling ipagkaloob lalo pa't panatilihin ang isang maginhawang buhay sa kanila. Umiikot ang tagumpay at kabiguan. Minsan swerte minsan malas. Pero masakit makita na naapektuhan ang pamilya pag matumal ang daloy ng swerte lalo pa't bata pa mga anak at nag-aaral. Sa panahon ngayon lalo na sa Pinas, kulang na kulang na sa job opportunities lalo na kung nasa middle-age na. Talagang ramdam na ramdam na yung tinatawag na middle-age career crisis. Try mong imaginin yung isang dating senior level manager mula sa isang nagsarang company at kasabay ng mga new grads na naghihintay sa isang job interview. At kung type mong manood ng simulation nito, panoorin mo si Jim Carrie sa Dick and Jane. OMG!

Kaya mabuti naman at bukas na ngayon ang pintuan sa apat na sulok ng daigdig para sa mga opportunities. At dahil sa pag-export ko ng aking professional expertise, isa na kong bayani ng bayan. Siguro nga kung para sa pamilya ko. Ang pagiging breadwinner naman ay isang heroic deed na. Ok lang yun. Kaya lang yung tagline na "bayani ng bayan" sa tingin ko nagmula lang sa isang airline commercial na naging national slogan. Kahit ito nabudburan na rin ng paminta ng pulitika.

Sanhi na rin upang mapagkamalang madatung kasi nga dollar-earner lalo na kung magpopost sa facebook ng mga kodakan mula sa ibat ibang lugar o gimikan samantalang ang totoo ay nagpapalipas lang ng homesick.

Salamat naman at sa panahon ngayon marami at hindi na masyadong mahal ang means of communication kaya sapat na yon para magkaron ako ng second wind para magpatuloy sa pagiging OFW.

Kaya para sa akin hanggang kaya pa ng katawan at masaya naman sa trabaho kahit nagsasakripisyo okey lang yung manatiling OFW. Kahit na middle age ka na at first timer pa. Kumbaga sa mga kasalukuyang OFWs "If it ain't broke, don't fix it." Enjoy your work and savor the opportunity. Ilang beses na akong nakarinig ng mga anunsyo ng ilang OFW na magreretire na sila at magnenegosyo na lang sa Pinas. Kung hindi nangyari, hindi tumagal. Madaling maubos ng mathematics of economics ang perang naipon sa pagtatrabaho sa abroad. At para naman sa mga first timers "Age doesn't matter. Follow your heart." You can listen to the advice of old folks about the loneliness of working away from the family but perhaps with a grain of salt. Nung time naman nila okey lang na magwork sa Pinas kahit na walo pa mga anak. Simple lang ang buhay noon. Kung me TV na kayo noon komportable na pamilya. Sa ngayon makakarinig ka ng "Pa, ako na lang walang cellphone sa klase namin". Kaya yang dramatics ng homesick ngayon daig na ng economics. Kaya bukod sa sariling family, meet your global family.

Ang pagkakataong makapagtrabaho sa abroad upang kumita ng maayos ay isang biyaya mula ke Lord. Ito ang isang purpose Niya.

~ WANDERING POTTER

B'LOG ANG MUNDO

View Comments

Photobucket


BILOG ANG MUNDO..


Isang tagay sa lahat ng mga Bayaning Pinoy na nasa apat na sulok ng sanlibutan.

Ang sarap mapanood sa TV na nakakatulong tayo sa ating bayan. Tayong mga OFW's daw ang nagpapalago ng dollar reserves ng Pilipinas. Pero nakakalungkot aminin na hindi naman sa kapakanan ng bansa natin ang dahilan kung bakit tayo nagpapakahirap sa lupain ng mga dayuhan.


PAMILYA ang dahilan. Period. Wala nang iba pa.


Kung sapat lang sana ang kinikita natin sa lupang sinilangan, 'di na tayo kailangang mangibang-bansa at iwanan ang kani-kaniyang pamilya kapalit ng dolyares.

Dollars - ang sarap ng feeling kapag nasa kamay mo na. Katumbas lang naman nito ay lungkot, saya, hirap, at ginhawa.


Samahan niyo kami at lasapin ang buhay ng mga Pinoy sa ibang bansa.

~ NO BENTA

Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker