Thursday, April 14, 2011

Wanna Beth


Somewhere in Cubao, sa isang waiting shed habang nagyoyosi.....

Pare 1: P're, nabalitaan mo ba 'yung tatlong Pinoy na binitay sa pamamagitan ng lethal injection sa 
             China?

Pare 2: Oo p're, nakakaawa nga 'yung mga kababayan nating 'yun dahil kailangan lang naman 
             nilang kumita ng pera kaya napilitan silang maging drug mules.

Pare 1: Eh 'di alam mong si Beth Tamayo 'yung babaeng binitay doon? 


Pare 2: P're, okay ka lang ba? Si Elizabeth Batain 'yung babaeng tinutukoy mo!


Pare 1: Si Beth Tamayo ay may pangalang Elizabeth Batain sa totoong buhay. At ang sabi nila, kaya 
             daw hindi ipinakita sa media ang itsura niya ay dahil nga sa dahilang siya si Beth Tamayo.


Pare 2: Weh, 'di nga?


Pare 1: Oo nga. Wanna bet, paksyet?


Pare 2: Tsismis lang 'yan ng mga walang magawa sa buhay. Ang alam ko lang na totoo sa kanya ay 
             niligawan siya noon ni Marc Logan.


Pare 1: 'Yung makulit sa TV Patrol? 'Di nga?


Pare 2: Oo, nagkagustuhan sila kaso nagparaya si Beth dahil ayaw niya ang magiging complete 
             name niya kapag kinasal na sila!


Pare 1: Borokoy, puro ka kalokohan! Ang alam kong nanligaw talaga sa kanya ay 'yung kumanta ng 
            "Footloose"....si Kenny Loggins. Kaso masagwa rin 'yung magiging pangalan ni Beth kung 
            magkakatuluyan sila kaya hindi rin niya pinatos!


Manang Yosi Vendor: Oist, ang corny niyong dalawa. Gusto niyong kayo ang bitayin ko? Narinig ko 
                                     na 'yang patawa niyo twenty decades ago. Umalis nga kayo sa harapan ko 
                                     dahil minamalas ang mga paninda ko!


Pare 2: Honga p're, inom nalang tayo.


Pare 1: Apir!

blog comments powered by Disqus
Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker