Sunday, December 5, 2010

Kahit Maputi na ang Buhok Ko

kuha sa....alam niyo naman kung saan

kahit pumuti man ang buhok namin


Twenty years from now, malamang ang mga bahay sa Vigan ay nandoon pa rin at patuloy na dinadagsa ng mga turista. Malufet kasi ang pagkakayari sa mga iyon - may matatag na pundasyon kaya hindi matibag-tibag. Nandoon naman talaga ang sikreto kung gusto mong tumibay ang isang bagay at tumagal ng mahabang panahon.

Twenty years from now, tatanda rin kami ng pinakamamahal kong asawa pero hindi aamagin ng panahon ang aming tunay na pag-iibigan. Titiyakin kong magiging sintatag ng mga old Spanish houses ang aming love team.

Nakikita mo na ba ang sarili mo sa paglipas ng panahon?

Sinubukan kong i-upload ang pektyurs naming mag-asawa sa isang manghuhula parqa makita ang magiging hitsura namin matapos ang dalawang dekada at 'yan ang lumabas sa tawas. Ang galing 'di ba? In twenty years time, maganda pa rin ang labs ko at siyempre, (ehem) kamukha ko pa rin ang poging si Jayson.

Twenty years from now, madadagdagan ang marami ko nang puting buhok. Kung dati ay nagpapabunot ako ng makating uban sa misis ko para hindi halatang tumatanda na ako, hahayaan ko nalang itong dumami sa paglipas ng panahon. Ang mga puting buhok na 'yun ang magsisilbing simbolo ng aming mas tumatagal na love namin sa isa't isa.

Paglipas ng dalawang dekada ay hindi pa naman kami ganoon katanda. Hindi namin kailangang akayin ang isa't isa dahil malakas pa naman kami. Pero hindi mawawala ang mga holding hands with matching pa-sway-sway habang naglalakad sa park.

Wala na ako sa abroad by that time at sigurado akong ini-enjoy nalang namin ang mga bunga ng aming mga sakripisyo para sa pamilya. Tapos na sa kolehiyo at may kanya-kanyang trabaho ang mga anak naming sina Les Paul at Lei Xander. May maayos na kaming tirahan at nagpapatakbo ng sariling business. Sama-sama naming binubunuan ang mga taong nawala noong kami ay magkakalayo.

Twenty years from now, sabay naming babasahin ng labs ko ang entry na ito, sasariwain ang aming pagmamahalan, at ipapaalala ang pangako na ang pag-ibig ko'y lagi lang sa kanya.

Pero bago sumapit ang twenty years, ilang araw nalang ay Wedding Anniversary na namin. Sa December 8 ay DALAWANG TAON na kami!!! Masayang malungkot dahil pangalawang taon na rin naming itong ise-celebrate na magkahiwalay. Kinakaya para sa ikabubuti ng pamilya.

LABS, ILOVEYOUSOMUCH!! THANKFUL AKO KAY BRO NA IKAW ANG IBINIGAY NIYA SA AKIN PARA MAKASAMA HABAMBUHAY.



blog comments powered by Disqus
Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker