Sunday, July 18, 2010

My Birthday Shades

poging-pogi....walang kokontra dahil birthday ko!!

Last Thursday, July 15, ay nag-celebrate ako in advance ng aking 32nd birthday. Actually, hati kami ng kasamahan kong si Ka Orbe a.k.a. Ronaldo dahil ngayong buwan din ang special day niya. Nineteenth ang sa akin at ang sa kanya naman ay sa twenty-ninth.





Create your own labloop foto slideshow for MySpace, Facebook or your website! view all fotos of this slideshow



Maliit na handaan lang naman ang naganap. Bumili lang kami ng isang ulo ng baka para gawing sinigang, dinakdakan, at goto. Sinamahan rin namin ng limang kilong pancit canton-bihon na kayang magpakain ng isang barangay for long life and good health. To top it all, bumaha rin ng super extra mega non-alcoholic beer ng mga rakista, ang Rockers Genuine Draft!

Masarap talaga mag-beerday dahil pagbibigyan ka nila sa mga gusto mo. Kitang-kita naman sa mga pictures namin 'di ba? Ang request ko lang naman kasi ay ang mag-posing kami gamit ang shades na hiniram ko pa sa tropa naming si Tatsky. Kung hindi ko araw, malamang ay nasuntok na ako ng mga kasamahan ko sa villa dahil sa kakaiba kong sayad!

Bukas ko nalang ipo-post ang mga picture greetings ng mga nakaalala sa akin. Special sila na kasing special ng birthday ko! Pansamantagal, enjoy muna kayo sa trip kong 'di niyo kayang basagin!






blog comments powered by Disqus
Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker