Thursday, July 1, 2010

Cancer Month

despedida / birthday party ko last year

Sinasalubong ko ng masayang-masayang-masayang-masaya ang buwan ng Hulyo. Dati, isa ito sa mga pinakaayoko dahil ito ang month ng aking birthday. Ayoko ito sa kadahilanang bukod sa madadagdagan ang edad ko ay ayoko ng binabati ako "happy birthday p're!" sabay banat ng "sa'n ang inuman?". Kuripot akong tao. Hindi dahil ayokong gumastos kundi dahil napakarami kong kaibigan. "Friendliest" yata ako noong pre-school! Kaya mahirap mag-budget kapag ang friends mo sa FB ay umaabot ng libo.


First time kong magdiriwang ng kaarawan na malayo sa mga mahal sa buhay. Yes, emo mode ulit ito. Kung dati ay binabago ko ang date ng aking birthday sa profiles ko sa mga social networking sites para walang makaalala, ngayon ay ako na ang nagsusumigaw na bertdey ko sa darating JULY 19. Yes folks, sa ikatlong Monday ng July ay magiging thirty-two years na ang edad ko - wala na sa kalendaryo! At most, kahit wala na ako doon ay meron naman na akong loving wife na Supernanay ng aking mga anak na Wonder Twins. Alam na ng buong Saudi na magpapakanton ako sa special day ko. Sana ay maraming makaalala sa akin sa Pilipinas dahil naglagay na rin naman ako ng "event" sa aking FB account.

Since walang nangahas na magparamdam na regaluhan ako ng pangarap kong Chuck Taylor shoes na tribute para kay Kurt Cobain, iba nalang ang hihilingin ko sa buhay. This time, nagmamakaawa na ako sa inyong lahat para lang sumaya ako kahit papaano. Naiinggit kasi ako sa uso sa mga bloggers kapag malapit na ang birthday. Susubukan ko lang naman (at sana ay may mag-aksaya ng oras). Kung merong MMS ang celfones, meron namang picture messages ang blogosphere. Kung clueless ka kung ano ito, click mo itong link ni Stone Cold Angel para maintindihan mo ang sinasabi ko.

O 'di ba ang dali lang naman? Kaya kung sino man ang interesado na mapangiti ako ngayong birthday ko, gamitin na ang kamera at ipadala ang inyong litrato sa aking email: negativejay@yahoo.com. May deadline po ito dahil demanding ako. Hehehe. Sana ay maipadala niyo on or before July 17, 2010

Maraming maraming salamat powh. Bow!
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

Nakatanggap nga pala ako ng isang mala-chain letter na parang trivia game na mala-palaisipan o crossword puzzle galing kay pareng JAG. Pinahirapan ako nito kaya sa inyo ko naman ipapasa. Nagkaroon na kami ng ganitong activity dati sa teambuilding ng previous work ko at medyo mahirap ito para sa akin dahil bihira ang mga words na nagsisimula sa letter J. Lalo naman siguro kung letter X, Y, at Z!

01. Your name: Jayson
02. A four letter word: Jinx
03. A boy's name: Jamir
04. A girl's name: Janis
05. An occupation: Jazz Musician
06. A color: Jonquil
07. Something that you wear: Jewelery
08. A food: Jalapeno Peppers
09. Something that can be found in the bathroom: Jacuzzi
10. A country: Japan
11. A reason for being late: Just Lazy
12. Something you shout: Jerk
13. A movie title: Jacky Brown
14. Something you drink: Juice
15. A musical group: Jane’s Addiction
16. An animal: Jaybird
17. A street name: J.P. Rizal St.
18. A type of car: Jalopy
19. An internet site/blogsite: jessicarulestheuniverse.com
20. A song: Jeremy by Pearl Jam
21. A President's name: John F. Kennedy
22. A cartoon character: Jerry of “Tom and Jerry”
23. Name of School: Jesus is Lord School Foundation, Inc. (Taguig)
24. A sport: Javelin Toss
25. A Latin word: Judicium, meaning trial

Parang sa Facebook yata ito nagsimula pero kumakalat na rin sa blogosphere kaya ipinapasa ko naman ito ngayon kila....drum rolls please.....Khantotantra, Master, MervinTaympersPoldo, at Mr. Nightcrawler. Try niyo lang....pamatay oras during petiks mode. Sundin lamang ang mga sumusunod:

Instructions

01. Copy the Q&A to your own notes / blog.
02. Modify the existing answers with yours.
03. After completing the items, tag your friends to spread this "game".


Rules
01. Use the first letter of your name to answer each question. 
02. All answers should be real. 
03. If the person before you have the same initial as yours, you must have different answers. 
04. You cannot use any word twice. 
05. You cannot use your name in answering the questions except for number 1.




blog comments powered by Disqus
Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker