Sunday, June 20, 2010

Sobrang Okay Pare

At dahil Father's Day ngayon, expected na natin na babaha ng entries sa blogosphere tungkol dito. Mapupuno ang email mo ng mga forwarded messages. Ganun din sa text na walang-humpay na pupunuin ang inbox ng celphone mo (pero bitter ako dahil wala akong natanggap kahit isa!). Sa radyo at teevee, siguradong may "special" program na nakahain.Kanina, habang kumakain kami ng hapunan ay napanood namin sila Cesar Montano, Gabby Concepcion, at Gary V. na kumakanta ng "Father and Son" ni cat Stevens sa ASAP. Parang engot lang dahil si Gary lang naman ang pinakitang may anak na lalaking bumabati sa kanya sa VTR. 'Yung dalawa, parehong babae 'yung pinakita. Sana nag-isip nalang sila ng ibang kanta.

Nang mag-commercial ay ipinakita naman ang show ni KC Concepcion na kasama ang nanay at tatay niya. Mukhang aabangan ito ng mga Sharonians sa loob-loob ko dahil certain may chemistry sa kanila na nagpapakilig sa lahat ng manonood. Kahit na parang balyena na si Ate Shawie at DOM na si Gabo.

Naalala ko tuloy bigla 'yung time na nag-guest si Sharon sa SOP sa siete. Hindi ko alam kung ano'ng meron that time pero nand'un siya live. Matapos ang kanyang singing ay biglang lumabas si Janno Gibbs sa eksena at nagsabi na may sorpresa daw siya para sa Megastar at sa mga audience. First time on television daw 'yun na pinapunta ng SOP sina KC at Gabby para magkasama-sama silang tatlo. Halatang gulat na gulat si Ate Shawie dahil parehong nasa abroad ang mag-ama noong mga panahong iyon. Medyo parang naging kangkarot ang ikinilos niya nang marinig 'yung sinabi ni Janno.

Dahil 'di mapakali, pinalabas na nila sa backstage sina KC Montero at Gabby Eigenmann para sorpresahin ang nag-iisang Mega!!





blog comments powered by Disqus
Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker