Monday, June 14, 2010

Disinwebe, Gemini, at si Pepe

 in one of her most memorable birthday parties

Ang number nineteen ay isang napaka-espesyal na numero sa aking pamilya. Una, ipinagdiriwang ko ang aking beerday tuwing sasapit ang July 19 kada taon. Habang ang ang aming kambal na mga anak na sila Les Paul at Lei Xander, or more popularly known as The Wonder Twins, ay ipinanganak naman sa araw na January 19. Siyempre, kung naintindihan mo ang ibig kong sabihin, mage-gets mo kaagad na malamang ay  nineteenth din ang araw ng kaarawan ng labs ko. At kung may above-average kang IQ, maiisip mo na ngayong June ito mangyayari! Ang galing ni Bro, 'di ba?

Sa araw ding ito nagdiriwang ng araw ng kapanganakan si Paula Abdul. Kung hindi mo kilala ang celebrity na ito ay kawawa ka naman. Okay, kung wala ka talagang idea ay bibigyan nalang kita ng isa pang famous person na kilala ng lahat ng Pinoy - si Pepe. Nasa kindergarten pa lang tayo ay alam na natin na siya ang pambansang bayani pero sigurado ako na hindi mo kailanman natandaan ang birthday ni Gat. Jose Rizal dahil mas naaalala mo ang araw ng kanyang kamatayan na isang "double pay" holiday! Hmmmm, kaya pala magaling kumanta, magsayaw, at sobrang talino ni misis ay dahil "birthday bro" niya ang mga celebrities na tulad nila.


Ngayon ko lang din naalalaa na ang Gemini nga pala ay ang zodiac sign na sumisimbolo sa kambal na sina Castor and Pollux . Kaya siguro kami nabiyayaan ng anak na kambal dahil bukod sa pareho kaming may lahi ng kambal sa pamilya, astronomical sign din ito ni misis.

Nakipagkuwentuhan ako kay pareng Googs kaninang working hours kung may kilala siyang site na makakapagbigay ng personality ng mga Gemini's. Hindi naman ako nabigo at ito ang nakalap ko sa isa niyang kumpare na inirekomenda:

Gemini women are self-assured and sophisticated. Smart, sassy, and sarcastic, these women will always have the last word. Often exceptionally good looking, Gemini women are more interested in showing off their brain power. They are often career-driven, and even when they have children are likely to seek a career outside their domestic circle. They make good mothers, always encouraging their children to get involved in a variety of interests and hobbies.

Okay, isa-isahin natin ang lumabas sa tawas....

Gemini women are self-assured and sophisticated. Heto ang dalawa sa mga assets ni misis. Kaya niyang ipakita sa sa'yo ang confidence niya sa isang bagay kapag kausap mo siya. Sa kanya ko lang din natutunan na mag-analyze at magresolba ng mga complex things (huwag lang differential equations at integral calculus). Kaya niyang gawaan ng solusyon ang mga bagay-bagay na nahihirapan akong i-absorb. Siya ang sandalan ko kapag medyo pressured na ako sa aking ginagalawan.

Smart, sassy, and sarcastic, these women will always have the last word. Para sa akin ay malaki ang pinagkaiba ng pagiging intelehente at pagiging ismarte pero dala lahat ni misis ang ganung mga katangian. Meron kasing matatalino na hindi alam gamitin ang utak. Although may sarcasm siya paminsan, may laman naman ang sinasabi kaya hindi taklesa ang dating niya.

Often exceptionally good looking, Gemini women are more interested in showing off their brain power. Hindi ako magyayabang sa kagandahan ng asawa ko. Humble me eh kaya kayo na ang humusga sa pektyur niya sa entry na ito. Maniwala ka na minsan ay napi-feel ko na parang ang pangit ko kapag kasama siya dahil ang samang makatingin ng mga kalalakihan sa amin kapag naglalakad sa mall. Parang feeling ko ay hindi ako worthy sa diyosa ng buhay ko! Pero ibahin niyo si misis  dahil bukod sa beauty, ay matalino ang misis ko - kaya nga ako ang pinili niya sa di-mabilang na nanligaw sa kanya!

They are often career-driven, and even when they have children are likely to seek a career outside their domestic circle. Sobrang sipag ng misis ko. Mas masipag pa sa baka at kalabaw. Naikuwento ko na dati na manganganak nalang siya ay gusto niya pang tumanggap ng mga projects para kumita ng pandagdag sa pampaanak niya sa hospital. Ngayong may anak na kami at medyo pagod sa kakaalaga sa kambal ay tuloy pa rin ang pagkuha niya ng projects para makaipon naman kami sa pampabinyag.

They make good mothers, always encouraging their children to get involved in a variety of interests and hobbies. The best nanay in the whole galaxy. Ganyan ang pagmamahal na ipinapakita at ipinaparamdam niya sa aming mga anak. Uunahin ang kapakanan nila bago ang sarili niya. Nakakatuwa ng malaman na bata pa lang ang mga chikiting ay tinuturuan na niya sila sa pakikinig sa  kanta ng Eraserheads, pagiging mahilig sa words, at kung anu-ano pang activities para sa magandang growth development ng mga bata.


Ang suwerte ko 'di ba? Kaya nga mahal na mahal ko ang misis ko more than anyone in this world!

ILOVEYOULABS and HAPPY 31st BIRTHDAY!!


P.S.

To the Wonder Twins, Happy 5th Month!!



blog comments powered by Disqus
Community & Groups - Top Blogs Philippines
Protected by Copyscape Online Copyright Checker